Thursday, March 31, 2005
Another Tanaga Site
"I have written a paper on the tanaga and the haiku for one ofThanks to Ms. Clair Ching for these kind words. I really appreciate it. Encouraging words as these are more than enough payment to continue this endeavor. I have also been advised that there is some buzz about this site amongst some literary circles. While that is not my intention, it would surely help to make sure this art does not die. Modernizing an art revives traditionalists long slumbering in non-creativity. Hopefully this buzz will continue until the Tanaga is no longer a footnote of our history.
my comparative literature courses back in college and I have noticed that
there aren't so many tanaga out there. I am glad that this blog
encourage people to write tanaga."
On that note, I'd like to post on of Ms. Clair Ching's Tanaga. Pardon me if I had to choose a sad one:
Hinabing mga tela
makukulay na hibla
binenta sa Maynila
ngunit pera’y nawala
- Clair Ching, Philippines
Her website features other Tanagas, too.
You can visit it here.
Tuesday, March 29, 2005
Tanaga Reflections
While I do not prefer to call upon negative cultural traits, as they may be all subject to historicity, there are many things that are often adjudged or misunderstood as negative traits of the Filipino Culture that cannot be discounted nor denied. Perhaps that sentiment is that which prompted Ruel Tan to write this piece:
I.
Sa dayuhang lupain
Lahat tayo’y magaling
Sa sariling sinaing
Halos walang makain
II.
Ga’no mo man kamahal
Ang lupaing tinamnan
Sa ibang lupang banal
Tingin duo’y putikan
III.
Ihambing mo sa hangin
Ang sipol mong mumunti
Lapatan man ng awit
Masahol pa sa pipit
IV.
Sa lupang pinagmulan
Masukal at magubat
Saan man ang hantungan
Dito ang tanging himlayan
- Ruel Tan, Philippines.
Some words from the Author:
Sa isang huntahan dito mahirap ipaglaban at ibahin ang tingin sa ating mga Pilipino ng mga dayuhan at mga kapatid natin sa SEA. Gaano man tayo kagaling sa ating trabaho, nakakapanghina ng loob kapag hindi mo maipaglaban ang sarili mong bayan. Minsan kasi totoo ang impressions nila.
Wednesday, March 23, 2005
Stations of the Cross
Apologies to the Non-Catholics or to people who are not into religious stuff. Please approach this work not as an evangelization tool, but as a literary work.
Pakinggan mo si Kristo
I. Sinakdal si Kristo
may tunog ang paratang
tibok sa bawat hakbang
bitay na dahang tangan
masakit kung pakinggan.
II. Pinasan Niya ang Krus
bulong nitong pagtanggap
sa krus inaaapuhap
tikom na labi'y agap
dito sa ambang hirap.
III. Unang Pagkarapa
sa unang bagsak ay kulog
kanino man kang lingkod
pasakit 'to sa tuhod
pasang mundo sa likod.
IV. Paglapit ni Maria
nguni mas may ulinig
sigaw ng tagong hapis
na 'di mapantig-pantig
ng inang nagtitiis.
V. Pagtulong ni Simon
ang bigla't kusang-loob
anak ng 'buting layon
walang ingay-daluyong
liban sa pagsang-ayon.
VI. Pagpunas ni Veronica
panaghoy ba ng pawis
mapunasan mang pilit
ito ba'y tatahimik
o manatiling sakit?
VII. Ikalawang Pagkarapa
madapa ka ngang minsan
halupasay nang tunay
mag-ulit pa nga kaya
dagundong sa pagdapa.
VIII. Paglapit ng mga Kababaihan
iyak na ulit-ulit
malupit na hagupit
lagitik ng hinagpis
alaalang mahigpit.
IX. Huling Pagkarapa
sala'y aalingawngaw
tono ng pagbagsalimbay
ipit sa paghandusay
sugatan mong katawan.
X. Pagtanggal ng Kanyang Damit
hapdi ng biglang punit
dugo'y s'yang hinahasik
mahubda'y di panagip
nguni kailangang dalit.
XI. Pagpako kay Kristo
katok siya sa simula
pako ang panukala
bigat ng bawat sala
lagapak huling dala.
XII. Pagkamatay ni Kristo
hatid ng huling hapo
hingasing ng dibdib mo
sa buong sansinukob
huling alak na handog.
XIII. Pagbababa sa Krus
templong pinatahimik
pagbaba'y may habilin
lakas na laging kipkip
'di man lamang inangkin.
XIV. Paglilibing
Ugong ng nitsong bato
pananda ng pagsuyo
sa huling sakripisyo
pinatawad ang tao.
- Jardine Davies.
Monday, March 21, 2005
Holy Week Tanagas Part III
Ilang beses si Hesus
ipinapako sa krus?
Dugo nyang umaaagos
upang tayo'y matubos.
- Angelo Ancheta, Philippines.
A Tanaga that is not well known to be one is the Revelation of the Mystery of faith by the Catholics. Just in time as the above work, let me quote what is said:
Si Kristo ay namatay,
Si Kristo ay nabuhay;
Si Kristo ay babalik,
Sa wakas ng Panahon.
"Christ died, Christ has risen,
Christ will come again."Author Unknown.
Perhaps It was not willed to be a Tanaga, but this poses a question on the nature our collective cultural memory. Is the mystery of seven syllables here an artifact of the Catholic faith and its preoccupation with the mystery of the number seven? Or more of a relic of the Filipino poem naturally coming out of the translator?
Nothing is certain, but either way, the Tanaga itself died with the Colonization, the Tanaga lived again in the time of Abadilla and Ildefonso Santos, and perhaps, when given enough world exposure the Tanaga will come again in a salvific form.
Hit me if I'm dreaming.
Thursday, March 17, 2005
Holy Week Tanagas Part II
Penitensiya
ako ay nauulol
sa paghanap ng bulbol
pakibigyan ng hatol
ang ulo kong mapurol
- Medel, Philippines.
Colonial Tanaga
English Tanaga
dam dee dam dee dam dee dam
deem dah dim duh deem di dam
pam pa ram pa ram dee dam
deem da-deem da-dim dee-dam
Tanagang Kolonyal
1 2 1 2 1 2 1
1 2 1 2 1 2 1
1 2 1 2 1 2 1
1 2 1 2 1 2 9
1 3 1 1 3 3 1
1 2 3 5 8 1 3
1 3 1 1 3 3 1
1 3 1 1 3 3 1
1 0 1 0 1 0 1
1 0 1 0 1 0 1
1 0 1 0 1 0 1
1 0 1 0 1 0 1
- Jardine Davies.
Wednesday, March 16, 2005
Holy Week Tanagas
BIYERNES SANTOSa masuyong pagdampi
Puting panyo sa pisngi
Pasakit at pighati
Ay kakayaning pilit.
Rhodge F. Fernandez, Philippines.-----
Tanaga sa Kahalayan
Romansa
Nanaginip nang gising
Na ikaw ang kapiling
Nang gisingin ng hangin
Niroromansa’y matsing.
Labanan
Lubog na ang higaan
Madalas ang labanan
Girian at salpukan
Daig pa ang digmaan.
French Kiss
Labi’y huwag kagatin
Dila lang ang lasapin
Lalamuna’y sungkalin
Hanggang mata’y maduling.
Makatang Kiko, Philippines.
-----Motel
silid ng mga silid
ang ating tutunguhin
problema'y lilimutin
langit ay mararating.
Jheric Saracho, Philippines.
Many but not too Many
There is no intention here to connect one from the other. Please take each Tanaga as its own.
Ako'y Naubusan
Ang hita mong hugis banak,
Isigang at kamitisan.
Pag ako'y di nakatikim,
Ay tiyak na naubusan.
Author's Note:
- Ang "banak" ay isang uri ng malinamnam na isda na mahuhuli sa baybayin
ng dagat ng batangas.
- Ang "kamatisan" naman ay lagyan ng kamatis.
Aldrin Cantos, Philippines.
-----
ako'y kibit-balikat,
sa pag-abang ng dyipni,
mga mata'y imulat,
hay! ako'y tinanghali!
Leya Opinaldo, Philippines.
-----
Payo sa Bagong Gradweyt
sa iyong pagtatapos
'wag na' wag kalimutan
ang magsilbi sa bukid
ay karangalang lubos
Roh Mih, Philippines-----
Monday, March 14, 2005
One Word, One Syllable
The sky in its grace rained tears
The wind in its haste left years
In my mind they wear the forms
That silence the dance of storms
- Jojo Ballo, Philippines.
Sunday, March 13, 2005
Images in Full Motion
Ilapat mo sa awit,
damdaming bitbit-bitbit.
Tulad ng mandaragit,
gumala ka sa langit.
- Angelo Ancheta, Philippines.
There is life here in this piece. An invitation that reaches out in an oddly real and tangible way. As I blog and read the many submissions for new Tanagas, I can't help but relate well to this piece. That life that I talk about in this piece is something that I discover with every new Tanaga that is submitted to this site. As I am yet learning the intricacies of the craft and the many different ways that it can be most beautiful, I expect more of this magic to be revealed to me in time.
You should discover it too; it's a sweet experience of having so much said with so little. If you can write a Tanaga in your language it will be something of a similar experience - that I can bet. As the above poem says (Apologies to Angelo A for the rough translation): Place your emotion in songs. Like a bird of prey soaring - venture into the heavens.
The Modern Tanaga on Homosexuality and Coming Out
Hari-hariang badingIncidentally, she makes it a point that it is mentioned that she's not gay, whatever her intention is. Interestingly, The makabagong tanaga, had become a more open form, and no longer a limiting art. It has come of of its closet so to speak.
Pag-asta ay mahinhin
Sukol na nga ang lihim
'Di pa rin umaamin
- Klet Makulit, Lucena City,
Philippines.
While the Haiku, and the Japanese Tanka have been admittedly more popular, the same can be said of the Tanaga: Until it is used more in a non-ethnocentric form by the use of foreign languages and thus appreciated as an art form, it will not be as popular.
There is always something that history leaves in its tiptoeing passage; the Tanaga's charm is one such legacy. We can look back in its past as a moral tool of our Filipino ancestors - yet even more beautifully as a modern man's tool for critique and communication. The art will remain; remnants will stay. How the moderns use the tanaga or view it will define its significance, and recover its meaning. Posts in this website have created many lives out of the Tanaga. Unlike what is said in the poem above, the real Tanaga does not dread coming out. It finally has said, "Yes, I am an Art - worth all the Praise."
Friday, March 11, 2005
A Tanaga from France
Kahol ng Aso
Di ka maintindihan
Bulabog buong bayan
Ang Pighati mong tangan
Hindi ko kailangan
Dapat bang maging aso
Upang ako'y mapaso
Sa dinulot mong kaso
Bingi na aking puso
Ngunit aking naisip
Ano ba ang kalakip
Nitong dusa mong kipkip
Ako ba ang sasagip
- Anavs, France.
Wednesday, March 09, 2005
Rugby
In this socially relevant depiction of Manila's streetkids, Jheric Saracho used 1 full near rhyme in the form AAAA, to associate 4 words: pulubi, labi, natuli, rugby (beggar, lips, circumcised, rugby - an addictive solvent street kids use to ward off hunger pangs). The same set of words rhymes strictly as ABBA to create words pairs pulubi-rugby, labi-tuli, which alternatively becomes an ironic word relation on pulubi-natuli, and labi-rugby; the rugby thus becoming the street kids' source of nourishment:
Rugby
Mga batang pulubi,
may gatas pa sa labi,
hindi pa nga natuli,
nalulong na sa rugby.
- Jheric A. Saracho,
Philippines.
Like the Japanese Haiku, the Tanaga is a difficult poem to make due to its targetted brevity, and limiting measure. What makes this a harder art is how to settle the the problem of utilizing the rhymes to their best effect.
Tuesday, March 08, 2005
Makatang Kiko Strikes Again
With that, the Tanaga had become a social commentary:
Tanaga Sa Bayan
Sakripisyo
Matutong mamaluktot
‘Pag maikli ang kumot
Pa’no pag walang kumot
Siksik na lang sa sulok.
Krisis
Bayan kang iniinis
Ng pulitikong ganid
Taumbaya’y binitbit
Sa hirap at panangis.
Huwad
Itubog man ang tanso
Sa karagatang ginto
‘Pag naiwan sa ulan
babalik sa kawalan.
PaglayaKalagin mo ang gapos
Malay na binusabos
Huwag sanang maubos
Kalayaa’y matapos.
- Makatang Kiko, Philippines.
I'm no poetic lover
The difficulty in Tanaga as Mark Angeles says is rooted on the concept of gansal (odd) and pares (even). The Tanaga being in the gansal form, is harder ... Seven syllables can only take you so far. The comfort of adding an eighth syllable is too tempting, but such is the challenge. that is why to come up with a Tanaga for a lover is no mean feat:
I'm no poetic lover,
No wishful thinking either,
But when my eyes locked with yours,
My lonely life swayed its course.
- Leya Opinaldo, Philippines.
Magulang man ay Tutol
Shown in this piece via ako + ay, reduced to a monosyllable Ako'y; 'Di (from Hindi) and 'Wag, the contracted form of "Huwag".
Irog ko'y aakayin,
patungo sa simbahan.
Magulang man ay tutol,
bilang ako'y manugang.
*****
Harangan man ng sibat,
granada at masinggan.
'Di ako mamamatay,
'Wag lamang tatamaan.
- Aldrin Cantos, Philippines.
Magtanim ay di biro
Magtanim ay 'di biro
maghapong nakayuko;
'Di naman makatayo,
'Di naman makaupo.
Roh Mih noticed it first and told me about it. It's a perfect Tanaga. Interesting, huh? Makes ione think what more treasures we have kept in our collective ethnic memory? Any out there who can still remember other folk songs, in the Tanaga form? Calling... Calling all...
INANG LUPA: BABAE
The other layers of meaning to it, I'll leave for you to discover:
ISANG MALIGAYA AT MAPAGPALAYANG ARAW NG MGA KABABAIHAN SA INYONG LAHAT, MGA KASAMA!!!
INANG LUPA: BABAE
Sabi nila'y madugo
Ang pagsilang ng mundo
Ngunit nababatid mo,
Ito'y mula sa puso.
- John Torraba, Philippines.
Monday, March 07, 2005
CathCath's Gift
I will leave you a notable stanza just to tickle your fancy, but leave the rest for you to discover in her webiste at cathcath.com. Do check it out:
panggigil, di napigil,
isang gabing walang b’wan,
Saksi ay ang tikatik
ng bumuhos na ulan.
- The CA t, cathcath.com
This link points to her complete version.
Dalawang Tanaga ng Wagas na Pag-ibig
While Tanagas can stand on their own, pairing proved most successful:
Dalawang Tanaga ng Wagas na Pag-ibig
Alaala ng Isang Kawal
magiting na sundalo
ang tatay ko. S'ya mismo
ang nagsabi: di punglo
ang katapat ng tao
Hapunan
katawan ko'y tinapay
ang dugo ko ay alak
ako'y inyong ihain
sa hapag ng pag-ibig
- Roh Mih, Philippines.
Star Wars Tanaga
I am Ani Skywalker,
With one-handed lightsaber.
Yes Luke, I am your father.
Billie Jean's not my lover.
- Ergoe Tinio, Philippines.
The Fifth Corner of the Square
This one is a little difficult to grasp because it is abstract, but after awhile it manifests itself and becomes a question on the nature of the Tanaga itself: Why is there a need for a title? Here goes:
The Fifth Corner of the Square,
otherwise known as god of the Tanaga
To You who breathe Congruence
Wherefore the Deliverance
Outside Non-Interference
Within segment Countenance
- Jardine Davies
A Collaborative Tanaga
Bawal daw 'pag sa kotse,
Doon mag hapi-hapi.
Baka magleche-leche,
Yaon ang sabi-sabi.
- Jardine Davies and a poetess
Boladas
In this Tanaga so much had been said with so little:
Boladas
Ano ba ang nakita?
Ako ay nagayuma
Sa kislap ng ‘yong mata
Puso ko’y nahalina.
Jheric A. Saracho, Philippines.
Buhay kita o bit’win
Buhay kita o bit’win
Sa gabi ay maningning
Liwanag ay kakamtin
Karimlan ay limutin- klet makulet, Philippines.
Makatang Kiko
What the flip-flops ad to the end of the tanaga is proverbial, and thus very Filipino in nature: high context, moral, and allegorically profound. This is thus the Tanaga: Tight, limited in words yet full of meaning:
Bawal
Nakatikim ka na ba
Nang bawal na pagsinta?
Masarap lang sa una
Masakit `pag tapos na.
Kural
Ang kural ay sa baboy,
Ang sa tao ay ano?
Kung ugaling baboy ka
Sa kural ay pwede ba?
Tsinelas
Pagkatapos isuot
Alilai't mapudpod
Talampaka'y diniyos
Iiwan lang na lagot.
- Makatang Kiko, Philippines.
Notice too that the rhythm set by each line as a complete packet of thought reinforces the next lines, thus rhythm and meaning is climaxing towards the last line which wraps the methapor perfectly. Such is the art of the Tanaga!
Isang umaga sa squatter's area
Isang umaga sa squatter's area
paggising sa umaga
pupunta sa kusina
di kape itotoma
kundi gin bulag pala
-Rolly delos Santos, Philippines.
Dalawang Tanaga ni Vlad
Nang napako sa plaza
ang Salvador ng raza,
dumami ang mestizang
nagkukrus ng ceniza.
Ang paglaho ng musa’y
may sumpa ni Medusa—
pagsasabatong dusa’y
eternal na parusa.
- vlad gonzales, Philippines.
Sunday, March 06, 2005
Tungkol sa Hirap nang Mahiwalay sa Asawa
TUNGKOL SA HIRAP NANG MAHIWALAY SA ASAWA
nagjakol ka na naman,
mabubulag ka niyan.
bakit nga ba ganiyan.
'pag asawa'y lumisan.- Batjay, Singapore.
Limang Tanaga
That is to say, even in it's written forms in the baybayin/alibata script, titles were never a necessity in Tanagas. Some moderns have included a title though in order to add a new dimension of meaning, but this collection of Five Tanagas by Mark respects the Tanaga in its purest traditional form even if each represents modern-day realism:
O, Banal na Pagitan
sinambit mo ang ngalan
nitong abuhing malay;
pumikit sa kanluran.
Dalagang walang libog
kamiso'y lampas-tuhod
nang lumusong sa ilog
mga hito'y nalunod.
O, mahinhing biyolin
dalit ko'y iyong dinggin—
Paano susuyuin
ang iyong pagkabirhen?
Nangarap makapunta
si Nonoy sa Canada,
(engineer ang karera)
pipik-ap ng basura.
Talinhagang ginagap
ano't nang kanyang hawak
biglaang naging tabak
sa isipa'y sumugat.- Mark Angeles, Philippines.
Reality Bites!
Reality Bites
There was a prodigal son -
Troy Dyer, the musician.
I couldn't get just one kiss,
So don't bogart the can, miss.
- Ergoe Tinio, Philippines.
Buhay-Cubao
Buhay-Cubao*
Sa Cubao isinilang,
Sa Cubao din namatay;
Sa Cubao din ang balik,
Sa wakas ng Panahon.
- Jardine Davies
* Cubao is one of the busiest residential and commercial centers in the Philippines. It is a unique locality where one can see both the poorest of the poor and the richest of the rich among Filipinos literally rub elbows together.
Friday, March 04, 2005
Mga Tanaga* ni Xam
Like the Tanaga, Dalit is a dying poetic form.
There is a controversy regarding its origin. One school of thought states that the dalit is Spanish in origin, particularly because its syllabication is even or pares. Hence, it is said that the Spanish popularized the dalit in the Philippines. Another view holds that the dalit is indigenous, but the friars used its popularity to promote Catholicism, in the form of meditative verses. (Wikipedia)
Mga Tanaga* ni Xam
Hindi na makalilipad
Ang mga ibong napadpad,
Sa langit ng kapuspalad
Pangarap ay di matupad.
***
Maging dagat sa pagkati
Ay humahalik sa labi
Ng buhanginang may hikbi
May pusong pinintakasi.
***
Pusong tibok ay masasal
Ay isa lamang ang dasal,
Langit nawa ay dumatal
Sa pagluyog niyang banal.
- Romel G. Samson, Philippines
* Note: Technically Dalit.
3 Tanagas: 1-800-Filipino
When the business outsourcing trend reached the Philippines - the prevailing competitive advantage that is harped is based on what is deemed a high level of proficiency in the English language of Filipinos (with minimal accent disparity), as well as a technology-abled workforce.
This Tanaga critiques utilitarianism:
3 Tanagas: 1-800-Filipino
I. Business Development
Inbound customer's galore
I care not about eyesore -
let calls come forevermore;
offshore: the new diaspore.
II. Profitability
Hail the blue caterpillars
dirtying their white collars!
For quarter of your dollars -
new economic pillars!
III. Research Goal: Sustainability
The Node of Vitality,
Must build new technology:
Pure third world fidelity
for ambidexterity.- Jardine Davies.
Ukol sa Isang Mahinhing Babae...
In this Tanaga he captures reality in four lines - showcasing why the Filipino language is best being onomatopoeic:
TANAGA TUNGKOL SA ISANG MAHINHING BABAING NAGPIGIL NG PAGTAWA SA LOOB NG JEEP
gusto niyang tumawa,
pero nagtimpi siya.
bigla tuloy nautot
putangina, ang bantot.
- BatJay, Singapore.
www.nicanordavid.com
Mga T(anag)ang Ina
Mga T(anag)ang Ina
ni: Nanoy, ang isip-kamote
Redyus
South Beach Diet ang sagot
Sa figure niyang nagblo-bloat;
Kung gusto niyang pumayat
Bakit di siya mag-iskwat?
Illegal Loving
Ayaw niya ng log ban
Saan niya nga naman
Magagawang iukit
Ngalan ni Misis Liit?
KulimV.A.T. *
Sabi ni Kongresista,
"Wag kayong mag-alala,
Two percent ay babalik
Kapag ako'y nag-outreach."
--
Sa pag-iisip, isipin kung paano mag-isip.
Mangamote.
- Nanoy, Philippines. Huminga.
Note: * V.A.T. - Value Added Tax, jdavies.
Sayaw sa Malibcong: Tatlong Tanaga
Additional Notes from the Author:
Sayaw sa Malibcong: Tatlong Tanaga
Iyo bang naririnig
ang tunog ng mga gong?
halina’t maki-tadek
sa ilalim ng buwan
Saksihan at danasin:
kailan iaabot
ng sinusuyong dilag
ang panyo nitong hawak?
Ah, kay tamis ng tapoy
na pinagsasaluhan;
muli’t muli, awitin
ang kantang salidumay
- Roh Mih, Philippines
Malibcong: Ito ay isang malayong bayan sa Abra, tirahan ng mga katutubong Itneg, na dating war zone noong 70s. Matindi ang labanan dito noon ng militar at NPAs. Dito ipinanganak si Fr. Balweg, ang pinuno noon ng Cordillera Peoples Liberation Army na nakipagsundo sa pamahalaang Aquino noong 1987. Nabisita ko ang bayang ito noong 1999.
Tadek: Ito ay katutubong courtship dance sa Abra at Kalinga. Sa sayaw na ito, ang babae at lalake ay may hawak na panyo. Kunwari, liligawan ng lalake ang babae sa pamamagitan ng sayaw sa saliw ng mga gong, hanggang sa iabot ng babae ang kanyang panyo sa lalake at vice versa. Pagkatapos, ang bawat isa ay maghahanap sa audience ng kapalit nila na magsasayaw. Kaya nga, ang mga manonood ay sumasaksi at dumaranas din ng experience noon.
Tapoy: Ito ay rice wine. During the occasion, pinaiikot ito sa mga manonood. Masarap ito, at nakapag-aalis ng kaba, lalo na sa mga baguhan sa tadek especially mga vistors sa bayan-- gaya ko noon.
Salidumay: Ito ay indigenous song o chant. Parang refrain ng kanta. Masarap itong pakinggan. Pero, hanggang ngayon, di ko alam ang ibig sabihin nito.
Sa madaling salita, ang tulang ito ay naglalarawan ng isang kultura, partikular na ang sayaw na tadek na participatory o communal.
- Roh Mih, Philippines
Thursday, March 03, 2005
Resurrecting a Dying art form
The Tanaga is a type of short Filipino poem, consisting of four lines with seven syllables each with the same rhyme at the end of each line --- that is to say a 7-7-7-7 syllable form, with an AAAA rhyme pattern as in this example:
The above Tanaga is attributed to Friars Juan de Noceda and Pedro de Sanlucar by Vim Nadera, and quoted them as saying “Poesia muy alta en tagalo, compuesta de siete silabas, y cuatro versos, llena de metafora.”
In the Old Tagalog original:
"Catitibay ca tolos
sacaling datnang agos!
aco’I momonting lomot
sa iyo,I popolopot."
In the Modern Tagalog syllabication:
Katitibay ka Tulos
Sakaling datnang agos!
Ako'y mumunting lumot
sa iyo'y pupulupot.
Translation (mine):
Oh be resilient you Stake
Should the waters be coming!
I shall cower as the moss
To you I shall be clinging.
Originally a rhyme pattern of AAAA or AABB is used, but the modern tanaga is free to deviate from the rhyme, as in this tanaga by Alejandro Abadilla which is a creed about his differences with another poet:
A poetic form similar to the tanaga is the ambahan. The Ambahan's length though is indefinite, and follows the following form:
“Umawit si Villa *
At ako’y umawit,
Nguni magkakontra
Ang sa aming tinig.”Translation:
"Villa serenades
as I do sing,
But there is variance
in our voicings."*Poet Jose Garcia-Villa
- A rhythmic poetic expression with a meter of seven syllable lines and having rhythmic end-syllables.
- It is most often presented as a chant without a determined musical pitch or accompaniment by musical instruments.
- Its purpose is to express in an allegorical way, liberally using poetic language, certain situations or certain characteristics referred to by the one reciting the poem.
Poets test their skills at rhyme, meter and metaphor through the tanaga because not only is it rhymed and measured but also exacts skillful use of words to create a puzzle that demands some kind of an answer.
Tanaga contains lessons or teachings and practical philosophies used by the elders to give reminders for the youth. It has a structure composed of four verses and seven syllables in one stanza.
Examples:
It was lyric poet Ildefonso Santos who was said to be the first to discover the virtue of tanaga as an epitome of the dictum “less is more” when he wrote the metamorphosis of rice in four lines:
Since I write mostly in the English language, and quite sparingly in Filipino , I am advocating the use of the Tanaga in the English as well, and I am openning it to the world to use.
Palay siyang matino,
Nang humangi’y yumuko,
Nguni’y muling tumayo:
Nagkabunga ng ginto!
In his Doktrinang Anakpawis (1979), poet/critic Virgilio Almario in a way tried the versatility of tanaga in his own brand of protest literature:
Isang pinggang sinangag,
Isang lantang tinapa,
Isang sarting salabat,
Isang buntunghininga.
I encourage like-minded poets from all over the world, and not just Filipinos to use this form and spread it all over the world! Remember if it's 7-7-7-7, it's not haiku, it is Tanaga. ;-) If you use more than four lines at seven-syllables per line, it is called Ambahan.
If you are interested to know more about Filipino poetry or submit a Tanaga in English or in the vernacular for this site, please email me: jardinedavies@gmail.com . All rights revert to the author. Multiple submissions are welcome. I invite even non-Filipinos to participate in this venture. If you care about modernity but doesn't wish it to impinge on the the cultural treasures of the past then let us build on the traditions of the past and merge it with the Future!
Let us keep the Tanaga and Ambahan alive! If you want to help as a co-moderator of this blog, do let me know so I can add you and help resurrect this dying art form!