Buhayin ang Tanaga!

Friday, March 04, 2005

Sayaw sa Malibcong: Tatlong Tanaga

I got the first contribution from Roh in this piece below. This marks a rebirth that makes me believe resurrecting this dying artform is very possible! Here's a toast to poetry and the tanaga:


Sayaw sa Malibcong: Tatlong Tanaga

Iyo bang naririnig
ang tunog ng mga gong?
halina’t maki-tadek
sa ilalim ng buwan

Saksihan at danasin:
kailan iaabot
ng sinusuyong dilag
ang panyo nitong hawak?

Ah, kay tamis ng tapoy
na pinagsasaluhan;
muli’t muli, awitin
ang kantang salidumay


- Roh Mih, Philippines
Additional Notes from the Author:

Malibcong: Ito ay isang malayong bayan sa Abra, tirahan ng mga katutubong Itneg, na dating war zone noong 70s. Matindi ang labanan dito noon ng militar at NPAs. Dito ipinanganak si Fr. Balweg, ang pinuno noon ng Cordillera Peoples Liberation Army na nakipagsundo sa pamahalaang Aquino noong 1987. Nabisita ko ang bayang ito noong 1999.

Tadek: Ito ay katutubong courtship dance sa Abra at Kalinga. Sa sayaw na ito, ang babae at lalake ay may hawak na panyo. Kunwari, liligawan ng lalake ang babae sa pamamagitan ng sayaw sa saliw ng mga gong, hanggang sa iabot ng babae ang kanyang panyo sa lalake at vice versa. Pagkatapos, ang bawat isa ay maghahanap sa audience ng kapalit nila na magsasayaw. Kaya nga, ang mga manonood ay sumasaksi at dumaranas din ng experience noon.

Tapoy: Ito ay rice wine. During the occasion, pinaiikot ito sa mga manonood. Masarap ito, at nakapag-aalis ng kaba, lalo na sa mga baguhan sa tadek especially mga vistors sa bayan-- gaya ko noon.

Salidumay: Ito ay indigenous song o chant. Parang refrain ng kanta. Masarap itong pakinggan. Pero, hanggang ngayon, di ko alam ang ibig sabihin nito.

Sa madaling salita, ang tulang ito ay naglalarawan ng isang kultura, partikular na ang sayaw na tadek na participatory o communal.

- Roh Mih, Philippines
posted by Jardine Davies @ 1:54 AM

1 Comments:

JD, binalikan ko ito because I have something to correct. The indigenous peoples living in Malibcong are TINGGUIANS, and NOT Itnegs. Please make the necessary correction. Thank you very much.
Blogger roh mih, at 3:44 PM  

Post a Comment