Buhayin ang Tanaga!

Friday, March 04, 2005

Mga T(anag)ang Ina

In this next piece, fellow countryman Nanoy pushes the bounderies of the Tanaga toward pop-culture. While Modern Tanaga is traditionally written in a singular language, Nanoy articulates the colloquial and therefore dynamic Taglish (Tagalog and English hybrid) to make his Tanaga more timely:

Mga T(anag)ang Ina
ni: Nanoy, ang isip-kamote

Redyus

South Beach Diet ang sagot
Sa figure niyang nagblo-bloat;
Kung gusto niyang pumayat
Bakit di siya mag-iskwat?

Illegal Loving

Ayaw niya ng log ban
Saan niya nga naman
Magagawang iukit
Ngalan ni Misis Liit?

KulimV.A.T. *

Sabi ni Kongresista,
"Wag kayong mag-alala,
Two percent ay babalik
Kapag ako'y nag-outreach."

--
Sa pag-iisip, isipin kung paano mag-isip.
Mangamote.


- Nanoy, Philippines. Huminga.

Note: * V.A.T. - Value Added Tax, jdavies.
posted by Jardine Davies @ 4:28 AM

2 Comments:

salamat po sa pagpost! kaso, nasama yung signature ko... patanggal na lang po nung "sa pag-iisip... "
Blogger nanoy, at 5:04 PM  
Okay, a! Tawag ko dito, hindi lang modern tanaga, kundi political tanaga. he he
Blogger roh mih, at 1:00 AM  

Post a Comment