Thursday, October 28, 2010
What Mulagat Means
Michael Alegre posits what more meaning there is in the term "mulagat". Whether it is mere observation, or a warning is up to the reader to decide:
Mulagat
Panimdim mong luwa,
Lagos sa kaluluwa,
Nagbabalang sigwa,
Bubulusok, hihiwa.
Michael C. Alegre
Mulagat
Panimdim mong luwa,
Lagos sa kaluluwa,
Nagbabalang sigwa,
Bubulusok, hihiwa.
Michael C. Alegre
Saturday, October 23, 2010
tulala
sila'y magsisilakad
na sa talino'y hubad
yakagin mang masikap
...yaring diwa'y lagalag.
--berlin flores
oktubre 20, 2010
lungsod ng mandaluyong
sila'y magsisilakad
na sa talino'y hubad
yakagin mang masikap
...yaring diwa'y lagalag.
--berlin flores
oktubre 20, 2010
lungsod ng mandaluyong
Anim na Tan(g)aga ni Arlan Camba
Tan(g)aga
pantig na pitu-pito
pilipit sa dila ko
linya na naghingalo
nabaog na tula ko!
⌂
bishop
sa sermon umalulong
ng dasal at orasyon
nang walang sumang-ayon
naghamong magpakulong!
⌂
condom
hanggang saan ang lugod
ang init ng alindog
sa makailang putok
sinasala ang tamod?
⌂
withdrawal
sumayaw, umindayog
sumakit pati likod
eto na at sasabog
ay saka mo hinugot!
⌂
calendar method
isang buwang nagtimpi
tiniis ang hirati
nang umiksi ang pisi
hanap ay kulasisi.
⌂
vasectomy
kinakapon na utak
tinataliang ugat
sa tikim at paglasap
pinupunggok ang sarap!"
pantig na pitu-pito
pilipit sa dila ko
linya na naghingalo
nabaog na tula ko!
⌂
bishop
sa sermon umalulong
ng dasal at orasyon
nang walang sumang-ayon
naghamong magpakulong!
⌂
condom
hanggang saan ang lugod
ang init ng alindog
sa makailang putok
sinasala ang tamod?
⌂
withdrawal
sumayaw, umindayog
sumakit pati likod
eto na at sasabog
ay saka mo hinugot!
⌂
calendar method
isang buwang nagtimpi
tiniis ang hirati
nang umiksi ang pisi
hanap ay kulasisi.
⌂
vasectomy
kinakapon na utak
tinataliang ugat
sa tikim at paglasap
pinupunggok ang sarap!"
Bagyo Nanaman?! (Mga Tanaga ni Angela Tabalno)
Bagyong Jua'y naulat
Biglang gayak ang lahat
Hinagpis at siwalat
Ondoy ba'y di pa sapat?
⌂
Tao'y san paroroon?
Ulan dito, ulan don.
Ang daa'y nagka-alon
Hanggang bewang na daw d'on.
⌂
Sa D'yos nagsusumamo
Tao'y ipag-adya Nyo
Bagyo sana'y lumayo
At sa dagat maglaho.
Biglang gayak ang lahat
Hinagpis at siwalat
Ondoy ba'y di pa sapat?
⌂
Tao'y san paroroon?
Ulan dito, ulan don.
Ang daa'y nagka-alon
Hanggang bewang na daw d'on.
⌂
Sa D'yos nagsusumamo
Tao'y ipag-adya Nyo
Bagyo sana'y lumayo
At sa dagat maglaho.
Tatlong Tanaga ni Pia Montalban
katawan ko'y pilipit
sa banig nakadikit
sa kirot nakapiit
nakabilot na paslit
⌂
langis, ihaplos-diit
konting taas ng singit
kung sa'n nagkubling init
at pawis na malagkit
⌂
congenital ba'y dalit
nitong lahing sinulit
sa bunso n'yong makulit
halik-pagibig: sakit.
sa banig nakadikit
sa kirot nakapiit
nakabilot na paslit
⌂
langis, ihaplos-diit
konting taas ng singit
kung sa'n nagkubling init
at pawis na malagkit
⌂
congenital ba'y dalit
nitong lahing sinulit
sa bunso n'yong makulit
halik-pagibig: sakit.
Saturday, October 16, 2010
Tatlong Tanaga ni Nonilon Queano
Muntik nang mapatula
Sa bomba ng tanaga
...Ngunit puno ng luha
43'y di pa laya.
⌂
Sige na nga, sige na,
Ang tula ay ikasa
Apatnapu't tatlo ba
P-noy, kailan lalaya?
⌂
Sigaw ng bayang api
Free the Morong 43
Lumalim na ang gabi
Hustisya'y bakit bingi?
NoniVQueano/15Oktubre2010
Ako po ay tutula
Nang mahabang mahaba;
...ako po ay uupo;
tula ko'y tapos na po
dahil ako'y pupu-pooh.
-Richard R. Gappi
10:37AM, 15 Oktubre 2010
Angono, Rizal, Pilipinas
Nang mahabang mahaba;
...ako po ay uupo;
tula ko'y tapos na po
dahil ako'y pupu-pooh.
-Richard R. Gappi
10:37AM, 15 Oktubre 2010
Angono, Rizal, Pilipinas
Makatarungang inggit
(P.S. sa mga minero ng Chile)
...Mabuti pa sa Chile,
Meron ng Freed 33.
Itong Morong 43,
Posas pa rin ng gabi.
-Richard R. Gappi
6:31AM, Huwebes, 15 Oktubre 2010
Angono, Rizal, Pilipinas
(P.S. sa mga minero ng Chile)
...Mabuti pa sa Chile,
Meron ng Freed 33.
Itong Morong 43,
Posas pa rin ng gabi.
-Richard R. Gappi
6:31AM, Huwebes, 15 Oktubre 2010
Angono, Rizal, Pilipinas
Fenix
(Tanaga para sa 33 minero ng Chile)
...Matapos ang sixtinayn,
kayo ay iniluwal;
muli kayong nabuhay --
sarap ng pakiramdam!
-Richard R. Gappi
9:59AM, Huwebes, 14 Oktubre 2010
Angono, Rizal, Pilipinas
(Tanaga para sa 33 minero ng Chile)
...Matapos ang sixtinayn,
kayo ay iniluwal;
muli kayong nabuhay --
sarap ng pakiramdam!
-Richard R. Gappi
9:59AM, Huwebes, 14 Oktubre 2010
Angono, Rizal, Pilipinas
Limang Tanaga sa Kahon ni Berlin Flores
(Mga tanagang kinatha para sa ligguhang palihan ng Angono 3/7 poetry society.)
kasilyas
paggising ko kanina,
ang tinungo'y kubeta.
at sa bawat pag-iri,
mayro'ng ginhawang iwi.
aginaldo
nitong nagdaang pasko,
nagregalo'ng ninong ko,
ang hinuha kong kutson:
patung-patong na kahon.
engagement
lumuhod ang binata,
ang dalaga'y nagitla;
paghugot nitong singsing,
nautot pa't nahatsing.
paurong
tumindig arsobispo
puputukin 'tong lobo
'pagkat tingin n'yang bobo
'to'y sugo ng demonyo.
batingaw
nagtakda ang simbahan
ng k'wadradong kulungan
'pag abot ng batingaw
obligadong sumayaw.
ika-10 ng oktubre, 2010
tanay, rizal
kasilyas
paggising ko kanina,
ang tinungo'y kubeta.
at sa bawat pag-iri,
mayro'ng ginhawang iwi.
aginaldo
nitong nagdaang pasko,
nagregalo'ng ninong ko,
ang hinuha kong kutson:
patung-patong na kahon.
engagement
lumuhod ang binata,
ang dalaga'y nagitla;
paghugot nitong singsing,
nautot pa't nahatsing.
paurong
tumindig arsobispo
puputukin 'tong lobo
'pagkat tingin n'yang bobo
'to'y sugo ng demonyo.
batingaw
nagtakda ang simbahan
ng k'wadradong kulungan
'pag abot ng batingaw
obligadong sumayaw.
ika-10 ng oktubre, 2010
tanay, rizal
Mga Tanaga para sa Chile 33 ni Berlin Flores
(Susog sa nauna nang mga tanaga ni Richard Gappi hinggil sa pagkaka-rescue sa 33 mga minero mula sa ilalim ng lupa.)
reunion
matapos n'yong mahugot
sa ilalim ng lupa
pagkakita sa mukha
kapamilya'y naluha.
pananalig
sa haba ng panahong
kayo ay nangabaon
tanging tangan n'yong gidon*
pananalig sa Poon.
*isang maliit na bandilang kadalasang ginagamit sa panahon ng digma. silbing pagkakakilanlan ng isang hukbo.
reunion
matapos n'yong mahugot
sa ilalim ng lupa
pagkakita sa mukha
kapamilya'y naluha.
pananalig
sa haba ng panahong
kayo ay nangabaon
tanging tangan n'yong gidon*
pananalig sa Poon.
*isang maliit na bandilang kadalasang ginagamit sa panahon ng digma. silbing pagkakakilanlan ng isang hukbo.
Tatlong Tanaga (sa Dilaw na Halimaw) ni M.J. Rafal
i.
Unti-unting napanot,
tuktok na baluktot.
Asyendang 'di sinaka,
'pagkait sa sakada?
ii.
Barong mo ay kayputi,
ngisi'y kasuklam-suklam.
Yaon nga ba'y baluti
sa mga ayaw 'paalam?
iii.
Ikaw, oo, halika!
Bibig mo'y 'yong ipinid.
'Pagkat ako'y bathala.
Litaw lagi'ng gilagid.
Unti-unting napanot,
tuktok na baluktot.
Asyendang 'di sinaka,
'pagkait sa sakada?
ii.
Barong mo ay kayputi,
ngisi'y kasuklam-suklam.
Yaon nga ba'y baluti
sa mga ayaw 'paalam?
iii.
Ikaw, oo, halika!
Bibig mo'y 'yong ipinid.
'Pagkat ako'y bathala.
Litaw lagi'ng gilagid.
Mga Tanaga ni Fermin Salvador
Primavera (Tagsibol)
Buong tao’y tag-usbong
Sa lupain ng Pinoy
Ba’t mga harding luoy
Ang tagpong panginoon?
Verano (Tag-araw)
Lupain ng pawisan
Ang bayan kong maaraw –
Manggagawa ay angaw
Na tadhana’y karimlan.
Otono (Taglagas)
Ikaw ay walang petsa
Sa aking bayang sinta
Ngunit daming petalyang
Nalagas nang maaga.
Invierno (Tagyelo)
Higit sa ginto’ng init
Pag niyebe’y humasik
Araw at alab-dibdib
Sa bayan ko ay liglig.
Paliparang O’Hare
Sa pusod ng Chicago
Lagusan ng b’yahero
Saanman naging tao
Gaya kong mula Tundo.
Paliparang LAX
Lungsod ng mga Anghel
Pakpak-ada’ng mga pleyn
May ilusyon na hain
Ang malapad na iskrin.
Paliparang Narita
Parang Ginzang matingkad
Ang pagitan ng tarmak
At hintayan ng bawat
Sumadya o napadpad.
Paliparang Inchon
Magara at maluwang
Ang erport sa ‘Morning Calm’
Nag-stopover, isip ay
Sa babalikang bayan.
10/14/10
Mental State of Mind: Mga Tanaga ni Medel Mercado
Si ako ako ako
Ay kayo kayo kayo
At tayo tayo tayo
Ay luku-luko luku-luko
Bakit bro, tanong ninyo?
Sa inyo, sagot ko ‘to:
Tanagang sinulat ko
‘Di rin iba sa inyo!
Ay kayo kayo kayo
At tayo tayo tayo
Ay luku-luko luku-luko
Bakit bro, tanong ninyo?
Sa inyo, sagot ko ‘to:
Tanagang sinulat ko
‘Di rin iba sa inyo!
Mga Tanaga ni German Villanueva Gervacio
Magtanim ay di biro
Maghapong nakayuko
Di naman makaupo
Sa lupang pinangako
⌂
Dapa mga kasama!
Ilag sa bambo’t bala
Ang huli mong tanaga
Ibulong mo sa lupa
⌂
May tainga ang lupa
May pakpak ang balita
May bibig ang tanaga
Bubuga rin ng tingga
⌂
Itaga mo sa bato
Na itong tanaga ko
Ititigbas sa buto
Ng bungol sa dalit mo
⌂
Kondom na pinalobo
Langitngit ng kuwarto
Punlay na atribido
Sa latex nagsisirko
⌂
Bubong na butas-butas
Bintanang nakabukas
Tatay na superlakas
Toink! Kondom ay umikyas!
⌂
Papantig-pantig ka na
Patugma-tugma pa nga
Patana-tanaga pa
Nakangisi lang sila
German Villanueva Gervacio/Iligan City/October 14, 2010
Maghapong nakayuko
Di naman makaupo
Sa lupang pinangako
⌂
Dapa mga kasama!
Ilag sa bambo’t bala
Ang huli mong tanaga
Ibulong mo sa lupa
⌂
May tainga ang lupa
May pakpak ang balita
May bibig ang tanaga
Bubuga rin ng tingga
⌂
Itaga mo sa bato
Na itong tanaga ko
Ititigbas sa buto
Ng bungol sa dalit mo
⌂
Kondom na pinalobo
Langitngit ng kuwarto
Punlay na atribido
Sa latex nagsisirko
⌂
Bubong na butas-butas
Bintanang nakabukas
Tatay na superlakas
Toink! Kondom ay umikyas!
⌂
Papantig-pantig ka na
Patugma-tugma pa nga
Patana-tanaga pa
Nakangisi lang sila
German Villanueva Gervacio/Iligan City/October 14, 2010
Mga Tanaga ni Noel Sales Barcelona
Gobyerno
Lagi na lamang kapos
Ang iyong pagtutuos
Paanong hindi kabyos
Sira kasi ang tuktok!
Politiko
Samo’t saring pakulo
Panghalina sa tao.
Huli na nang mataho
Salita pala’y basyo!
Sunday, October 10, 2010
luma-Lazarus
Kinausap ko si Dave Buenviaje para buhayin (muli) ang blog na ito. Gaano kahalaga ang engagement sa tanaga bilang isa sa mga anyo ng katutubong pagtula? Tulad ito ng paghahanap sa isang nawawala; ng isang taong tinutunton ang kanyang pinagmulan. Kaya mabuti rin na sabihing hindi talaga namatay ang tanaga. Naisantabi lang natin.
Ipasa ang inyong mga tanaga sa tanaga2@gmail.com, subject: BUHAYIN ANG TANAGA.
- Mark Angeles
Ipasa ang inyong mga tanaga sa tanaga2@gmail.com, subject: BUHAYIN ANG TANAGA.
- Mark Angeles