Saturday, October 16, 2010
Limang Tanaga sa Kahon ni Berlin Flores
(Mga tanagang kinatha para sa ligguhang palihan ng Angono 3/7 poetry society.)
kasilyas
paggising ko kanina,
ang tinungo'y kubeta.
at sa bawat pag-iri,
mayro'ng ginhawang iwi.
aginaldo
nitong nagdaang pasko,
nagregalo'ng ninong ko,
ang hinuha kong kutson:
patung-patong na kahon.
engagement
lumuhod ang binata,
ang dalaga'y nagitla;
paghugot nitong singsing,
nautot pa't nahatsing.
paurong
tumindig arsobispo
puputukin 'tong lobo
'pagkat tingin n'yang bobo
'to'y sugo ng demonyo.
batingaw
nagtakda ang simbahan
ng k'wadradong kulungan
'pag abot ng batingaw
obligadong sumayaw.
ika-10 ng oktubre, 2010
tanay, rizal
kasilyas
paggising ko kanina,
ang tinungo'y kubeta.
at sa bawat pag-iri,
mayro'ng ginhawang iwi.
aginaldo
nitong nagdaang pasko,
nagregalo'ng ninong ko,
ang hinuha kong kutson:
patung-patong na kahon.
engagement
lumuhod ang binata,
ang dalaga'y nagitla;
paghugot nitong singsing,
nautot pa't nahatsing.
paurong
tumindig arsobispo
puputukin 'tong lobo
'pagkat tingin n'yang bobo
'to'y sugo ng demonyo.
batingaw
nagtakda ang simbahan
ng k'wadradong kulungan
'pag abot ng batingaw
obligadong sumayaw.
ika-10 ng oktubre, 2010
tanay, rizal
posted by Jardine Davies @ 6:14 PM
2 Comments:
This is a very powerful collection of tanagas... are they meant to be taken as one work? I specially liked paurong and batingaw with the excellent use of patutsada and pasaring.
these are meant to be taken as a single piece of work. thanks for your comments. i concur with your observation that batingaw and paurong used sarcasm very well [and i'm carrying my own chair here... :P]