Buhayin ang Tanaga!

Saturday, October 16, 2010

Mga Tanaga ni Fermin Salvador



Primavera
(Tagsibol)

Buong tao’y tag-usbong
Sa lupain ng Pinoy
Ba’t mga harding luoy
Ang tagpong panginoon?


Verano (Tag-araw)
Lupain ng pawisan
Ang bayan kong maaraw –
Manggagawa ay angaw
Na tadhana’y karimlan.


Otono (Taglagas)
Ikaw ay walang petsa
Sa aking bayang sinta
Ngunit daming petalyang
Nalagas nang maaga.


Invierno (Tagyelo)
Higit sa ginto’ng init
Pag niyebe’y humasik
Araw at alab-dibdib
Sa bayan ko ay liglig.


Paliparang O’Hare

Sa pusod ng Chicago
Lagusan ng b’yahero
Saanman naging tao
Gaya kong mula Tundo.


Paliparang LAX

Lungsod ng mga Anghel
Pakpak-ada’ng mga pleyn
May ilusyon na hain
Ang malapad na iskrin.


Paliparang Narita


Parang Ginzang matingkad
Ang pagitan ng tarmak
At hintayan ng bawat
Sumadya o napadpad.


Paliparang Inchon

Magara at maluwang
Ang erport sa ‘Morning Calm’
Nag-stopover, isip ay
Sa babalikang bayan.


10/14/10
posted by Jardine Davies @ 6:03 PM

0 Comments:

Post a Comment