Sunday, November 14, 2010
SIMOY NG HARAYA
Angelo Suarez wrote a handful of attempts at tanaga for Lala de Leon's SIMOY NG HARAYA perfume line, their titles corresponding to the name of each scent. Hello, poetry as ad copy! & no, it's not the other way around! The texts come w/ the bottles as part of the label.
Alon
Mistula walang alat
kung humalik ang dagat
sa pampang. Kung yumakap
ay mahigpit, banayad.
Ulan
Nabilanggo sa ulap,
ang tubig ay lumayas
mulang kulungang bulak
ng langit. Nagsitakas!
Dagat
Sa bughaw nitong pusod,
naroon ang nalunod
na alaala. Sugod
sa lalim ng paglimot!
Buwan
Mata ng gabi, bakit
mo pa ba sinisilip
kaming nananaginip?
Di ka ba nangangawit?
Sulyap
Patunay ng pagtingin
ang iyong tingin: Bangin
ang matang mapang-angkin.
Mahulog nang palihim.
Bulong
Malumanay ang tawid
ng salitang sinambit
sa tenga. Iyong bibig:
bukal ng aking kilig.
Ambon
Dampi ng langit, haplos
ng tubig sa alabok
ng alaalang tuyot --
pinapawi ang kirot.
Alaala
Umaalon sa isip,
kahapong iniihip
ng simoy ng pagkapit.
Sakit, nanunumbalik.
Gayuma
Tahak ng tingin, tulak
ng sulyap, yakap, lapat
ng titig sa balikat,
hatak pa, kindat, hatak.
Dalisay
Pinong puso, sa isip
nagkikimkim: Ang nais
ay dungis. Hindi linis,
kundi putik sa kinis!
Wagas
Walang kaso ang piyok
sa harana, ang pusok
sa kanta. Mas marupok
ang puro: Nabubulok.
Unang Halik
Lumanay ng talulot:
Bukadkad ang pag-irog
na marahang humagod
sa labing di malimot.
Pusok
Kumpas ng kilig, kabig
ng bibig ang manalig,
ligalig. Sa gilagid,
ang dila, kumakahig.
Alon
Mistula walang alat
kung humalik ang dagat
sa pampang. Kung yumakap
ay mahigpit, banayad.
Ulan
Nabilanggo sa ulap,
ang tubig ay lumayas
mulang kulungang bulak
ng langit. Nagsitakas!
Dagat
Sa bughaw nitong pusod,
naroon ang nalunod
na alaala. Sugod
sa lalim ng paglimot!
Buwan
Mata ng gabi, bakit
mo pa ba sinisilip
kaming nananaginip?
Di ka ba nangangawit?
Sulyap
Patunay ng pagtingin
ang iyong tingin: Bangin
ang matang mapang-angkin.
Mahulog nang palihim.
Bulong
Malumanay ang tawid
ng salitang sinambit
sa tenga. Iyong bibig:
bukal ng aking kilig.
Ambon
Dampi ng langit, haplos
ng tubig sa alabok
ng alaalang tuyot --
pinapawi ang kirot.
Alaala
Umaalon sa isip,
kahapong iniihip
ng simoy ng pagkapit.
Sakit, nanunumbalik.
Gayuma
Tahak ng tingin, tulak
ng sulyap, yakap, lapat
ng titig sa balikat,
hatak pa, kindat, hatak.
Dalisay
Pinong puso, sa isip
nagkikimkim: Ang nais
ay dungis. Hindi linis,
kundi putik sa kinis!
Wagas
Walang kaso ang piyok
sa harana, ang pusok
sa kanta. Mas marupok
ang puro: Nabubulok.
Unang Halik
Lumanay ng talulot:
Bukadkad ang pag-irog
na marahang humagod
sa labing di malimot.
Pusok
Kumpas ng kilig, kabig
ng bibig ang manalig,
ligalig. Sa gilagid,
ang dila, kumakahig.
Thursday, October 28, 2010
What Mulagat Means
Michael Alegre posits what more meaning there is in the term "mulagat". Whether it is mere observation, or a warning is up to the reader to decide:
Mulagat
Panimdim mong luwa,
Lagos sa kaluluwa,
Nagbabalang sigwa,
Bubulusok, hihiwa.
Michael C. Alegre
Mulagat
Panimdim mong luwa,
Lagos sa kaluluwa,
Nagbabalang sigwa,
Bubulusok, hihiwa.
Michael C. Alegre
Saturday, October 23, 2010
tulala
sila'y magsisilakad
na sa talino'y hubad
yakagin mang masikap
...yaring diwa'y lagalag.
--berlin flores
oktubre 20, 2010
lungsod ng mandaluyong
sila'y magsisilakad
na sa talino'y hubad
yakagin mang masikap
...yaring diwa'y lagalag.
--berlin flores
oktubre 20, 2010
lungsod ng mandaluyong
Anim na Tan(g)aga ni Arlan Camba
Tan(g)aga
pantig na pitu-pito
pilipit sa dila ko
linya na naghingalo
nabaog na tula ko!
⌂
bishop
sa sermon umalulong
ng dasal at orasyon
nang walang sumang-ayon
naghamong magpakulong!
⌂
condom
hanggang saan ang lugod
ang init ng alindog
sa makailang putok
sinasala ang tamod?
⌂
withdrawal
sumayaw, umindayog
sumakit pati likod
eto na at sasabog
ay saka mo hinugot!
⌂
calendar method
isang buwang nagtimpi
tiniis ang hirati
nang umiksi ang pisi
hanap ay kulasisi.
⌂
vasectomy
kinakapon na utak
tinataliang ugat
sa tikim at paglasap
pinupunggok ang sarap!"
pantig na pitu-pito
pilipit sa dila ko
linya na naghingalo
nabaog na tula ko!
⌂
bishop
sa sermon umalulong
ng dasal at orasyon
nang walang sumang-ayon
naghamong magpakulong!
⌂
condom
hanggang saan ang lugod
ang init ng alindog
sa makailang putok
sinasala ang tamod?
⌂
withdrawal
sumayaw, umindayog
sumakit pati likod
eto na at sasabog
ay saka mo hinugot!
⌂
calendar method
isang buwang nagtimpi
tiniis ang hirati
nang umiksi ang pisi
hanap ay kulasisi.
⌂
vasectomy
kinakapon na utak
tinataliang ugat
sa tikim at paglasap
pinupunggok ang sarap!"
Bagyo Nanaman?! (Mga Tanaga ni Angela Tabalno)
Bagyong Jua'y naulat
Biglang gayak ang lahat
Hinagpis at siwalat
Ondoy ba'y di pa sapat?
⌂
Tao'y san paroroon?
Ulan dito, ulan don.
Ang daa'y nagka-alon
Hanggang bewang na daw d'on.
⌂
Sa D'yos nagsusumamo
Tao'y ipag-adya Nyo
Bagyo sana'y lumayo
At sa dagat maglaho.
Biglang gayak ang lahat
Hinagpis at siwalat
Ondoy ba'y di pa sapat?
⌂
Tao'y san paroroon?
Ulan dito, ulan don.
Ang daa'y nagka-alon
Hanggang bewang na daw d'on.
⌂
Sa D'yos nagsusumamo
Tao'y ipag-adya Nyo
Bagyo sana'y lumayo
At sa dagat maglaho.
Tatlong Tanaga ni Pia Montalban
katawan ko'y pilipit
sa banig nakadikit
sa kirot nakapiit
nakabilot na paslit
⌂
langis, ihaplos-diit
konting taas ng singit
kung sa'n nagkubling init
at pawis na malagkit
⌂
congenital ba'y dalit
nitong lahing sinulit
sa bunso n'yong makulit
halik-pagibig: sakit.
sa banig nakadikit
sa kirot nakapiit
nakabilot na paslit
⌂
langis, ihaplos-diit
konting taas ng singit
kung sa'n nagkubling init
at pawis na malagkit
⌂
congenital ba'y dalit
nitong lahing sinulit
sa bunso n'yong makulit
halik-pagibig: sakit.