Buhayin ang Tanaga!

Wednesday, June 15, 2005

Ehersisyo sa Tanaga, Dalit At Awit

Makatang Kiko (Francis Montesena) presents a collection of tanaga exercises below that uses different rhyming conventions. The tanagas below use perfect rhyming schemes in various froms. Makatang Kiko together with other PinoyPoets are fellows to this year's LIRA and the exercise below showcases the art and craft of the tanaga at its finest:

Mga Tanaga
Sa Patinig na 'a'

1.Maragsa

Makopa

Kampanilya ni Kaka,
Kulay rosas ang mukha.
Piping tunog ang ngawa,
Makatas 'pag nginuya.

2. Malumi

Anay


Reynang nakahilata,
Alipi'y nangaypapa,
Lumawit man ang dila,
Sundalo'y tatalima.

Sa Patinig na 'e - i'

1. Maragsa

Kamote


Itinanim na binhi,
Lumaki at ngumiti,
Nang hukayi't tagbisi,
Kasinlaki ng binti.

2. Malumi

Isip-Kolonyal


Ang anyo mo ay sipi,
Nalimot na ang lahi.
Sa dayuha'y natali,
Sarili'y inaglahi.


Sa Patinig na o - u

1.
Maragsa

Aso


Mataas sa pag-upo,
Mababa 'pag tumayo.
Kaibigan kong ginto,
Karamay at kalaro.

2. Malumi

Pusa


Matanda na ang nuno,
Hindi pa naliligo.
Sa tubig nagtatago,
Tinik ang sinusuyo.


Mga Dalit

Sa Patinig na 'a'

1. Mabilis

Sandok

Tangkay itong kakaiba,
Ang dahon ay nag-iisa.
Walang ugat, walang sanga,
Kasa-kasama ni Ina.

2. Malumay

Makahiya

Nahihiya ang dalaga,
Mukha'y ayaw ipakita.
Nagtatago sa balana,
Sa hipo ay umaalma.

Sa Patinig na 'e - i'

1. Mabilis

Hapunan

Iniluto sa tahuri
Ang isdang napakalaki
Inihain isang gabi
Kasabay ng kanin pati.


2. Malumay

Bulaklak sa Kasal


Makulay ang ramilyete,
Tangan-tangan ng babae.
Sa kasal ay importante,
Daig pa ang diyamante.

Sa Patinig na 'o - u'

1.Mabilis

Kasuy

Amoy nito ay mabango,
Kung mamasda'y malilito,
Ang nakalabas ay buto,
Na para bang nagtatampo.


2. Malumay

Kawayan

Naaayon sa kuwento,
Nilalang ay galing dito,
Walang pinto, puro kwarto,
Doble sarado-kandado.
posted by Jardine Davies @ 4:46 AM

5 Comments:

ang galing ng mga ito! kudos, mk!
Blogger Segundo Persona, at 10:59 PM  
Hi there Blogger, I was just cruising the blogosphere searching for the latest information on art and craft and came across this great blog. Although this post wasn’t quite what I was looking for, it has excellent articles. I see now why I found your page when I was looking for art and craft related topics. I’m glad I stop by this is a great Blog, keep up the good work.
Anonymous Anonymous, at 1:00 PM  
Well hello there Blogger, I was just searching for some ideas on inspirational art when I happened on to your Blog. Although this post isn’t quite what I was looking for, it was for more information on inspirational art. You’ve still got a great Blog here. You are most welcomed to visit my site at inspirational art
Anonymous Anonymous, at 4:41 PM  
well, those are rare forms of blog spam
Anonymous Anonymous, at 7:44 AM  
di po ba mga riddles mga to?? kasi nagsearch din ako sa iba, e parang iba eh
confused lng ako.. kakalito tuloy.
Anonymous Anonymous, at 4:10 AM  

Post a Comment