Mga T(anag)ang Ina
ni: Nanoy, ang isip-kamote
Redyus
South Beach Diet ang sagot
Sa figure niyang nagblo-bloat;
Kung gusto niyang pumayat
Bakit di siya mag-iskwat?
Illegal Loving
Ayaw niya ng log ban
Saan niya nga naman
Magagawang iukit
Ngalan ni Misis Liit?
KulimV.A.T. *
Sabi ni Kongresista,
"Wag kayong mag-alala,
Two percent ay babalik
Kapag ako'y nag-outreach."
--
Sa pag-iisip, isipin kung paano mag-isip.
Mangamote.
- Nanoy, Philippines. Huminga.
Note: * V.A.T. - Value Added Tax, jdavies.
salamat po sa pagpost! kaso, nasama yung signature ko... patanggal na lang po nung "sa pag-iisip... "
ReplyDeleteOkay, a! Tawag ko dito, hindi lang modern tanaga, kundi political tanaga. he he
ReplyDelete